You are currently browsing the monthly archive for July 2009.

Ang pagdaramdam ko higit na nakakaaliw sa pugad ng iyong kaibuturan,

na pawang saklaw ng alinmang panaginip na hindi ko man kayang bitawan,

Simula ng ika’y makilala, aking buhay walang ibang nadarama

Kundi ang papawirin ng panaginip na dulot ng walang katapusang ligaya…

Minungkahi noong tayo’y magsimula, na iyo’ng tignan ang kaloob-looban ng aking isipan

Na sa bawat panahong ika’y makasama, tanging magagandang nakaraan aking maaalala,

At sa tuwing ika’y natutulog, iyong paghinga ay parang musika ng mga anghel

Na kailanma’y magbibigay buhay sa akin, na ang tanging kasama ay kapirasong papel…

Ika’y rosas, Kate Aubrey, biyaya ng kagandahan, dalisay at talino

Na sa bawat yakap at halik, napapawi ang lungkot dulot na iyong pagkalayo

At ang iyong bukod tanging ngiti ay halimuyak ng libo-libong sampaguita

Na tanging ikaw lamang ang aking sandalan sa bawat dalamhati’t pagiisa…

Hindi ko na alam kung tanging pag-ibig ito o katotohanang ikaw na nga ang aking buhay

Sadyang mapagpasya ang tadhana na nagbigay daan sa atin na hindi mawawalay

Kaya naman ating namnamin ang panahong tayo’y magkasama

Sapagka’t ito lamang ang nagbubuklod sa pagmamahalan nating dalawa…

Naaalala mo pa ba ang panahon na tayo’y unang nagkakilala?

Iyong dala-dalang French fries ang siyang unang naging paksa…

Sakay ng dyip papuntang UP, sabay tayo at magkatabi pa ang ating mga binti,

Natulog ka at sandal pa sa akin, ako nama’y natuwa at gusto namang halikan ang iyong mga labi

Doon na nga tayo nagsimula at ayaw na itong kuwento na matapos pa

Na sa bawat ugoy ng panahon ika’y laging makasama,

Sa kahit ano’ng problema at balakid na ating harapin

Nangingibabaw pa rin ang tanging pagmamahalan natin…

Ika’y rosas, Kate Aubrey, dahil sa iyo buhay ko ay tuluyang nagbago

Ikaw na lang halos lahat sa isisp at damdamin ko,

Tuluyang kinalimutan ang poot ng mundo at kalagayan ng ibang tao

Na sa’yo na lamang umiikot ang lahat-lahat, kaya namang nababaliw na itong puso ko…

Aking panalangin na huwag na itong matapos, at may bukas pa’ng harapin ang kuwento’ng ito

Na aking ipagmamalaki kahit kanino man, na ikaw ang tanging bida sa buhay ko…

Sa daloy ng ilog at patuloy na buhos ng ulan, aking namnamin ang pag-ibig na tunay at dakila,

Na dahil sa’yo binigyan ako ng pag-asa at tuntunin sa pagptuloy ng pakikibaka…

Ika’y rosas, Kate Aubrey, rosas ng buhay ko…

Mahal kita… sana mahalin mo rin ako…

Mabuhay ka!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.